BASILAN IDP’s MANIFESTO Print E-mail
 

Written by Leah Deciar Agonoy, email:leah_agonoy@unsapa.com, on 24-12-2007 13:55

Views : 434    

Favoured : 14

Published in : The News, News Bits

Tags : basilan, milf, abu sayyaf group, asg, tipo-tipo, mindanao, armm


The following is the Basilan Internally Displaced Persons Manifesto (read article here)

{sidebar id=4} 

Bismillahir Rahmaanir Raheem  (In the name of God, the Most Beneficient, the Most Merciful)

Assalaamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu!

Kami pong mga nagsipaglagda sa ibaba nito na mga representante ng mga pamilyang galing sa mga munisipyo ng Albarka, Tipo-Tipo, Sumisip, Tuburan, Adjul at Akbar dito sa lalawigan ng Basilan, ng Autonomous Region for Muslim Mindanao sa katimugang bahagi ng Pilipinas na napinsala at napilitang lumikas dahil sa armadong hidwaan sa pagitan ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas (AFP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong ikasampo ng Hulyo, 2007, at sa pagtugis ng mga puwersa ng AFP sa mga kasapi sa Abu Sayyaf Group (ASG) noong buwan ng Agosto, ay nagkaisa upang ipahayag sa araw na ito ang aming kasalukuyang kalagayan at mga kahilingan upang makamit ang katarungan at kapayapaan na nauukol para sa amin.

Kami po ay dati nang mahirap, na puspusang nakikibaka upang makamit ang desente at makataong antas ng pamumuhay sa aming bayan. Subalit sa kabila ng aming pagsisikap at pagpupunyagi ay napinsala kami ng mga nabanggit na armadong hidwaan at marami sa aming bilang, magpahanggang ngayon, ay hindi pa nakakabalik sa aming mga pinagmulang tirahan at lupain.

Sa amin pong paglikas ay napilitan naming iwanan ang mga ari-arian at mga kabuhayan na matagal na naming naipundar matiyak lamang ang kaligtasan ng aming mga minamahal sa buhay.

Sa kasalukuyan po ay may tinatayang 40% sa amin ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa aming mga tirahan at lupain. Samantala, ang 60% naman sa amin ay nakabalik na. Subalit, ang dalawang grupong ito ay patuloy na dumaranas ng di makataong pamumuhay sa kanilang kinaroroonan.

Ito po ay dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

  1. Ang mga hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tirahan ay ayaw bumalik dahil sa matinding alanganin na posibleng magkaroon muli ng armadong hidwaan o putukan sa anumang oras. Ang kalagayang ito ay lalong pinasama noong huling halalan na kung saan ay nagkaroon din ng kalat-kalat na armadong engkwentro sa pagitan ng iba’t ibang mga grupo.
  2. Ito rin ang agam-agam ng mga taong nakabalik na sa kanilang mga tirahan at lupain, na maaaring sila ay mapilitang lumikas muli kung biglaang magkakaroon ng panibagong armadong hidwaan sa mga lugar nila.
  3. Ang mga hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tirahan ay ayaw rin bumalik dahil sa halos kawalan ng mga pangkaraniwang serbisyo-publiko sa mga lugar na ito. Dagdag pa rito ang kahirapan sa buhay na nararanasan nila sa ngayon doon sa mga lugar na kanilang pinaglikasan, kung saan ay nabaon sila sa utang dahil sa kawalan ng kabuhayan at kawalan ng pagkakataong makapaghanap-buhay ng maayos.
  4. Natigil ang pagaaral ng mga estudyante dahil sa pagsara ng mga paaralan at sa di pagpapasahod sa mga guro ng mga paaralang ito. Hanggang sa ngayon hindi pa ito natutugunan.
  5. Ang paglala ng kalagayan ng kalusugan at paglaganap ng malnutrisyon sa maraming bakwit, lalo na sa mga kabataan at mga matatanda.
  6. Ang pagkasira ng mga bahay at ari-arian nila dahil sa pagkasunog o di kaya dahil sa napagitna ang mga ito sa mga barilan.
  7. Ang kawalan ng mekanismong panglokal na pagkasunduan ng kapwa AFP at ng MILF, liban sa Pangkalahatang Kasunduan sa Pagtigil Hidwaan na napapaloob sa ilalim ng Usapang Pangkapayapaan, na maiwasan ang muling pagkakaroon ng malawakan o di kaya ay paulit-ulit na paglikas ng mga tao sa tuwing nagkakaroon ng armadong operasyon sa mga lugar na ito.
  8. Ang patuloy na malawakang militarisasyon sa mga lugar na ito, na dati rati ay mapayapa, na patuloy na nakakaligalig sa aming pamumuhay.
  9. Ang pagkaligalig at pangamba (trauma) na nadarama ng maraming mga bakwit, lalo na ang mga kabataan, ay nauuwi sa walang hangganang pagkabahala naming lahat.

Dahil sa mga kalagayang inilahad sa itaas, kami po ay nananawagan na:

  1. Itigil na ang paulit-ulit na pagkakaroon ng armadong hidwaan doon sa mga komunidad dahil ang mga ito ay hindi lupang pinagdirigmaan, kundi lupang kinabubuhayan.
  2. Itigil ang sapilitan pagpapalikas sa mga taong napinsala na ang gusto lamang ay mamuhay ng mapayapa sa kanilang mga tirahan at lupain.
  3. Bigyan ng pagkakataon at malinaw na garantiya ang mga taong napinsala na makabalik sa kanilang mga lupain at maalis ng tuluyan ang pangambang maaaring mapilitan silang lumikas muli kung may panibagong armadong hidwaan dito.
  4. Magkaroon ng mekanismong panglokal na mapagkasunduan ng kapwa AFP at MILF upang maiwasan ang muling pagkakaroon ng malawakan o di kaya ay paulit ulit na paglikas ng taong bayan sa tuwing nagkakaroon ng armadong operasyon sa mga lugar na ito.
  5.  Tugunan ang mga suliranin ng mga bakwit sa kalusugan, malnutrisyon, at pagkaligalig (trauma) sa lalong madaling panahon.
  6. Buksang muli ang mga sinarang mga paaralan at ibigay ang kaukulang sahod ng mga guro nito upang makapagbalik-aral ang mga estudyante nito.
  7. Tugunan ang pang ekonomiyang suliranin ng mga pamilyang napinsala ng mga armadong hidwaan upang sila ay mabigyan ng pagkakataong makatayong muli at matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
  8. Kumpunihin ng mga Barangay Roads na nasira o sira pa rin hanggang ngayon.
  9. Respetuhin ang karapatang pantao ng mga mamamayang nakatira sa mga lugar na ito.

Ang hangad po lamang namin ay mabawi ang aming dating antas ng pamumuhay at mabigyan kami ng pagkakataon na maiangat namin ito. Hinihiling po namin ang katarungan, dahil ang katarungan namin ay katarungan para sa lahat na naghahangad ng malaya, mapayapa, at maunlad na lipunan.

 

Maraming Salamat at Wassalaam.

 

Nilagdaan ngayong ika 14 na araw ng Desyembre, 2007 dito sa Datu Dizal Cultural Center, Lamitan City, Basilan.

 
(Sgd.) TOTONG ESPALDON     (Sgd.) BAJER NADDUA (Sgd.) HAMID KATARE

Bgy. Silangkum, Tipo-Tipo         Bgy. Bohelubong, Tipo-Tipo      Bgy. Bohelubong, Tipo-Tipo

(Sgd.) HABU HANAPI                (Sgd.) RIZAL ASALI                  (Sgd.) ASNAWI HANDANI

Bgy. Kailih, Albarka                   Bgy. Semut, Sumisip                 Bgy. Cambug, Albarka

(Sgd.) JAINULLA A. JAHA        (Sgd.) TONY HALUN                 (Sgd.) AMIR A. SULOR

Bgy. Guinanta, Albarka              Bgy. Bohebessey, Lamitan City Bgy. Cambug, Albarka

(Sgd.) HASIM A. MAULANA      (Sgd.) ALAUDDIN AIRIL            (Sgd.) HAPIKIN BIRONG

Bgy. Bato-Bato, Albarka            Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar

(Sgd.) MAKSUD MAHMUD        (Sgd.) ABDURAHMAN ANJAIP  (Sgd.) PA-AT HAMJA

Bgy. Kailih, Albarka                   Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Kailih, Albarka

(Sgd.) BAYAN HASSAN            (Sgd.) AHMAD HAMID               (Sgd.) MARK S. HASSAN

Bgy. Magcawa, Albarka             Bgy. Kailih, Albarka                   Bgy. Magcawa, Albarka

(Sgd.) JEUNUDIN ABDULLAH   (Sgd.) H. ASMA TAHIR             (Sgd.) NURAYA MAHMUD

Bgy. Bohebessey, Lamitan City             Bgy. Bohebessey, Lamitan City Bgy. Kailih, Albarka

(Sgd.) JAM Y. ALIH                  (Sgd.) JOHNNY BAWABATOT   (Sgd.) HUSNA DAHIM

Bgy. Kailih, Albarka                   Bgy. Bohebessey, Lamitan City Bgy. Bohelubong, Tipo-Tipo

(Sgd.) HARUN ABUD                 (Sgd.) MUNIB AIRIL                  (Sgd.) MUSTAPHA BIRONG

Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar

(Sgd.) RAHIMA BIRONG           (Sgd.) JUMANG ALAP              (Sgd.) IBRAHIM CUEXAS

Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohelubong, Tipo-Tipo

(Sgd.) TOMAS BORONG           (Sgd.) NADZMA LAMLA            (Sgd.) NASER JAILANI

Bgy. Danapah, Albarka              Bgy. Danapah, Albarka              Bgy. Banah, Tipo-Tipo

(Sgd.) IBRAHIM BALANGKASI  (Sgd.) MUNVIR SALATUN         (Sgd.) SUHUD MUTTALIB

Bgy. Danapah, Albarka              Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) H. ABDULLA GAPPAL    (Sgd.) H. NASIR MUHMIN         (Sgd.) JAMIR JALIL

Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) BUSRA JAALAL (Sgd.) DARWISA ASRAP          (Sgd.) HALID MUKTAR

Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) ERWIN ALAMIN              (Sgd.) LISTAIN MALANGKIS     (Sgd.) H. SAUD OMAR

Bgy. Danapah, Albarka              Bgy. Danapah, Albarka              Bgy. Bohebessey, Lamitan City

(Sgd.) IDRIS BIRONG               (Sgd.) AUSIN H. GADJALUN     (Sgd.) RUSININ ASNAWIE

Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Cambug, Albarka               Bgy. Cambug, Albarka

(Sgd.) PIRGAW YUNUS            (Sgd.) MUSAYYADA TAPSUIN  (Sgd.) TAHARA RAHIB

Bgy. Cambug, Albarka               Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) H. WAHAB HASAN         (Sgd.) H. HUSIN HAPIB (Sgd.) H. SUAD NEWANI

Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) H. NUR-IN HASAN          (Sgd.) H. NUR-IN SAPID            (Sgd.) NASIR JAALIN

Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) H. ISMAIL BALLAKATU  (Sgd.) SITTIE MARHA MAJUJAJILUN   (Sgd.) SUHUD MUTTALIB

Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Danapah, Albarka                          Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) H. AHMAD WAHAB         (Sgd.) LATIPA ANJANAL          (Sgd.) BUIDDIMAN JALALUN

Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Limook, Lamitan City         Bgy. Matibay, Lamitan City

(Sgd.) ABDULMUEEN YUSOPH            (Sgd.) ASNAWI KALSUM          (Sgd.) JUNAID ANJALIN

Bgy. Bato-Bato, Albarka                                    Bgy. Bato-Bato, Albarka                        Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) MINADJALUN HUSSIN    (Sgd.) MISTIRI TARAMI            (Sgd.) ABIR MUTTALIB

Bgy. Tipo-Tipo Prop., Tipo-Tipo Bgy. Bohelubong, Tipo-Tipo      Bgy. Paguengan, Akbar

(Sgd.) PILOY NAYANG             (Sgd.) MUNVIR SALATUN         (Sgd.) H. LATIP ISMAIL

Bgy. Baguindan, Tipo-Tipo        Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Bohebessey, Lamitan City

(Sgd.) IDRIS ASNAWI               (Sgd.) ISMAIL BALLABATO      (Sgd.) SALIMA JAPLUL

Bgy. Cambug, Albarka               Bgy. Bohebessey, Lamitan City Bgy. Macalang, Albarka

(Sgd.) SATTAH NISAL              (Sgd.) ARHUMA JANALUN        (Sgd.) HANAPI AIRIL

Bgy. Macalang, Albarka             Bgy. Macalang, Albarka             Bgy. Bohebakung, Akbar

(Sgd.) HAISA HASAN                (Sgd.) APSA RIZAL                  (Sgd.) MARAK ANJALIN

Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar

(Sgd.) IBNO ABUD                    (Sgd.) SURAY BIRONG (Sgd.) TANO CUEVAS

Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohebakung, Akbar           Bgy. Bohelubong, Tipo-Tipo

(Sgd.) JAMAL TOTONG            (Sgd.) JOMAR TOTONG            (Sgd.) OMAR MOHAWAN

Bgy. Tipo-Tipo Prop., Tipo-Tipo Bgy. Silangkum, Tipo-Tipo         Bgy. Limbo Upas, Tipo-Tipo

(Sgd.) NUAIM TOTONG (Sgd.) ABDILLAH AJULAL        (Sgd.) JEMAR PISING

Bgy. Silangkum, Tipo-Tipo         Bgy. Silangkum, Tipo-Tipo         Bgy. Limbo Upas, Tipo-Tipo

(Sgd.) WAIDZ ALAJAL              (Sgd.) SAMIYAN ARIMBAY       (Sgd.) HUJAY SANNANI

Bgy. Baguindan,Tipo-Tipo         Bgy. Tipo-Tipo Prop., Tipo-Tipo Bgy. Tipo-Tipo Prop., Tipo-Tipo

(Sgd.) NORITHA TOTONG         (Sgd.) HADI UNTIH                   (Sgd.) MUSIR NAYANG

Bgy. Tipo-Tipo Prop., Tipo-Tipo Bgy. Silangkum, Tipo-Tipo         Bgy. Baguindan, Tipo-Tipo

(Sgd.) NASSER NUNA              (Sgd.) SALI TAHALLANG          (Sgd.) JULKIPLI ALIH

Lamitan City                              Lamitan City                              Bgy. Kailih, Albarka

(Sgd.) NURHIMA HAKIM           (Sgd.) NASIR JAALIN               (Sgd.) MUIDA HATAMAN

Bgy. Kuhon, Albarka                  Sumisip                                                Sumisip

(Sgd.) HUSAYMA HATALAN     (Sgd.) SALAMA TAALUL          (Sgd.) RHAIDA AJALUL

Sumisip                                                Sumisip                                                Sumisip

(Sgd.) DIANA ABIAN                 (Sgd.) NUR-IYA JASIR              (Sgd.) AJARA AKNALUN

Sumisip                                                Sumisip                                                Sumisip

(Sgd.) HALIMA GOGOL            (Sgd.) FILWA MUCADDANI       (Sgd.) BOBONG BANDING

Sumisip                                                Sumisip                                                Sumisip

(Sgd.) ISSEK ABULHASSAN     (Sgd.) HALAPTUL ACLUL         (Sgd.) IMELDA HATAMAN

Sumisip                                                Bgy. Baiwas, Sumisip                Sumisip

(Sgd.) HATTAN U. SAMPAD      (Sgd.) KALAUI ABDULWAKIB   (Sgd.) HAIRUL KASIM

Sumisip                                                Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip

(Sgd.) A.H. JAHANAN               (Sgd.) ABDULATI KASIM          (Sgd.) JAIRA SULAIMAN

Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip   Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip   Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip

(Sgd.) IBRAHIM HAIN               (Sgd.) MUNIM KASIM               (Sgd.) H. RAPIH HAMID

Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip   Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip   Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip

(Sgd.) SARIDA SAHILUN          (Sgd.) JAINA SULAIMAN          (Sgd.) ASSAMIN HASIM

Bgy. Bohepiyang, Albarka         Bgy. L. Sinangkapan, Sumisip   Sumisip

(Sgd.) UBAID HASIM                (Sgd.) KABIR KAJIH                 (Sgd.) GADJALI SAPPALUN

Sumisip                                                Sumisip                                                Bgy. Sampinit, Sumisip

(Sgd.) NASSER KASIM             (Sgd.) ANIZA WAHAB               (Sgd.) SALAMA ABBAS

Bgy. Sampinit, Sumisip             Bgy. Paguengan, Akbar             Bgy. Paguengan, Akbar

 

Nilagdaan sa harap nina:

 

 

(Sgd.) SAMMY P. MAULANA                      (Sgd.) NATHAN B. INSUNG

Secretary General                                          Chairperson, Basilan Region

CBCS                                                              CBCS

 

 

(Sgd.) MASID YACOB                                  (Sgd.) MUHTI ABDULLA

Lead Convenor                                               Chairperson

Inter-CSO Care for Basilan Task Force         Bantay Basilan –CBCS Civilian Local Peacekeeping Force


Last update : 27-12-2007 02:29

Quote this article Print Send to friend Related articles Save this to del.icio.us

Users' Comments  RSS feed comment
 

Average user rating

   (0 vote)

 

No comment posted

Add your comment



mXcomment 1.0.7 © 2007-2008 - visualclinic.fr
License Creative Commons - Some rights reserved
< Prev   Next >